Pagdalo ni VP Robredo sa Cabinet Meeting, hindi kailangan kung hindi drug related

144

Nilinaw ng Malacañang na hindi obligado si Vice President Leni Robredo na dumalo sa lahat ng Cabinet Meeting.

Ito’y matapos tanggapin ni Robredo ang posisyon bilang Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), na isang cabinet rank.


Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, bukas ang mga pulong sa lahat ng Cabinet Member.

Nagbibigay din ng imbitasyon si Cabinet Sec. Karlo Nograles.

Sinabi ni Panelo na pwedeng hindi pumunta ang isang cabinet member kung wala naman sa agenda ang opisina o programa nito.

Facebook Comments

From Advertisers