Pagdalo sa Formula 1 Grand Prix, oportunidad para sa business networking ayon kay PBBM

Courtesy: Presidential Communications Office

Naging mabunga ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Formula 1 Grand Prix sa Singapore.

Batay sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), inihayag ng pangulo na very promising ang kaniyang pagdalo ng grand prix dahil nakapulong niya rito si Singaporean Prime Minister Lee Shien loong at Deputy Prime Minister Lawrence Wong.

Sinabi ng pangulo, kapwa inaasahan ng Pilipinas at Singapore ang mas pinalakas na collaboration sa ibat ibang larangan para matugunan ang tinatawag na parehong pandaigdigang mga hamon.


Samantala, sa official instagram account naman ni First Lady Liza Araneta-Marcos, sinabi nitong ang formula one ay isang oportunidad sa networking para sa ibat ibang personalidad kabilang na ang political figures at business leaders.

Bukod sa First Lady, makikita rin sa larawan ang iba pang singaporean business leaders and personalities na kausap ni Pangulong Marcos sa roundtable.

Kasama rin sa roundtable ang anak nilang si Joseph Simon at si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Facebook Comments