Pagdami ng insidente ng pagdukot sa mga BIR officials, kinumpirma ng PNP

Kinumpirma ni PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde na maraming insidente ng pagdukot sa mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue sa National Capital Region.

Aniya, nagsagawa na sila ng pagpupulong sa Office of the President para resolbahin ang isyung ito.

Pero ayon kay NCRPO Chief Police Major Gen. Guillermo Eleazar, wala silang natatangap na reklamo kaugnay sa mga pagdukot sa mga BIR officials.


Kaya ang ginagawa nila ngayon ay nakikipagugnayan sa PNP anti-Kidnapping group para matukoy ang mga insidente nang sa ganun ay mapanagot ang mga salarin.

Batay sa rekord ng PNP, simula 2013 ay labing-limang mayayamang BIR officials ang naging biktima ng kidnapping sa bansa.

Facebook Comments