Pagdaong ng mga international cruise ship sa Boracay, balak ipagbawal ng DOT

151

Balak ipagbawal ng Department Of Tourism (DOT) ang pagbisita ng mga international cruise ship sa Boracay tuwing peak season.

 

Partikular ito sa panahon ng Semana-Santa, summer at pasko.

 

Ayon kay DOT Regional Director Helen Catalbas – ito ay para matiyak na hindi malalabag ang carrying capacity na 6,405 na turista sa isla kada araw.

 

Kadalasan kasi may sakay na 1,500 hanggang 4,500 na mga pasahero at crew ang mga cruise ships na dumadaong sa boracay.

 

Dahil hindi naman tumatagal at hindi rin nangangailangan ng mga hotels and resorts accommodation, binibigyan sila ng pitong oras para makapaglibot sa white-sand beach, souvenir shops, restaurants at iba pa.

Simula nang buksan ang boracay noong Oktubre dalawang cruise liner pa lang ang nakadaong sa isla ang mv star legend noong February 27 at seven seas navigator nito lang March 4.

Facebook Comments