Pangkalahatang naging mapayapa at maayos ang lalawigan ng Pangasinan ngayong nagdaang Semana Santa ayon sa assessment ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO).
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Pangasinan PDRRMO Operations Head Vincent Chui, mas pinaigting ng tanggapan katuwang ang PDRRM Council ang pagbabantay at pag-iikot lalo na sa mga higit dinagsa ngayong panahon tulad ng mga baybayin.
Tiniyak din na may sapat na nakaset-up na mga incident command post sa bawat bahagi sa lalawigan sa maagap na pagtugon sa mga emerhensiya ng mga turista at beachgoers.
Samantala, mayroong naitalang mga nabiktima ng jellyfish sting sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa lalawigan, habang hanggang sa kasalukuyan ay wala pang naireport na anumang heat-related illnesses sa nakalipas ng linggo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨