Pagdaraos ng Christmas at Halloween parties ngayong taon, papayagan na – DOH

Maaari nang payagan ang pagdaraos ng Christmas at Halloween parties ngayong taon.

Pero ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire, may mga nakaakibat pa rin itong paalala.

Papayagan lamang aniya ang dalawang okasyon kung mismong mga pami-pamilya ang magkakasama at masusunod ang mga health protocol.


Bawal pa rin ang malakihang pagtitipon o mass gatherings.

Paalala naman ni Vergeire na dapat pa rin iwasan ng publiko ang tatlong “C” o yung mga lugar na “closed” o kulob na lugar, “crowded” o matataong lugar, at “close contact” o malapitang pakikisalamuha.

Mas mainam pa rin aniya na huwag munang umatend sa mga party o pagtitipon ang mga may sintomas ng COVID-19.

Facebook Comments