Pagdaraos ng Christmas party papayagan sa hanay ng PNP

90

Walang nakikitang problema si Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos sa pagdaraos ng mga Christmas party sa kanilang hanay.

Pero, iginiit nito na dapat idaos ito ng may pag-iingat.

Para kay PNP chief, sapat na ang simpleng hapunan at huwag nang paabutin ng lampas alas-dose ng hatinggabi ang pagdiriwang.


Bawal din dapat ang walwalan o sobrang lasingan.

Dagdag pa nito kung magkaroon man ng raffle, iwasan na lang ang labis na pagsigaw at tiyaking may physical distancing at sapat na bentilasyon sa pagdarausan ng Christmas party.

Facebook Comments