Pagdating ng AstraZeneca vaccine bukas, ayaw pang kumpirmahin nina Sec. Duque at Sec. Galvez

33

Tumanggi sina Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez at Health Sec. Francisco Duque III na kumpirmahin ang napaulat na pagdating ng AstraZeneca vaccine bukas.

Sa panayam ng media pagkatapos ng isinagawang symbolic vaccination sa St. Luke’s Medical Center, Quezon City, ayaw kumpirmahin nina Galvez at Duque ang umanoy paparating na 487,200 doses na AstraZeneca.


Ayon sa dalawang kalihim, makailang beses din kasi silang umaasa na darating ang nasabing bakuna ngunit ilang beses din silang nabigo.

Nais daw nilang magsalita ng kumpirmasyon kung ito ay nakalapag na sa bansa.

Una ng sinabi ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ang pagdating ng bakuna bukas mula Belgium kung saan sasalubungin pa ito ni Pang. Rodrigo Duterte.

Facebook Comments