Pagdating ng mga imported na sibuyas at inaasahang anihan, pinagbatayan sa P125 kada kilo ng sibuyas – DA

Pinagbasehan ng Department of Agriculture (DA) sa ikinukonsiderang P125 na Suggested Retail Price (SRP) sa kada kilo ng sibuyas ang inaasahang anihan at pagdating ng mga imported na sibuyas.

Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, umaasa ang ahensiya na susundin ng mga tindahan ang pagpapatupad ng SRP oras na ilabas nila ito.

Napilitan ang DA na mag-import ng sibuyas dahil sa sobrang taas ng presyo nito at upang punan ang malaking demand ng mamamayan sa kabila na kakaunti ang suplay sa bansa.


May 21,000 metric tons ng sibuyas ang naapruhang angkatin ng DA pero may mahigit 3,000 metric tons pa lamang ang dumating sa bansa.

Facebook Comments