Pagdating ng Moderna COVID-19 vaccines sa bansa, itinanggi ng FDA

35

Itinanggi ng Food and Drug Administration (FDA) na may dumating nang Moderna COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, kung mayroon mang nakapasok na bakuna ng Moderna sa Pilipinas ay mas malaki ang posibilidad na peke ang mga ito.


Aniya, malabong nakapagpadala na ng bakuna ang Moderana sa Pilipinas dahil hindi pa naaaprubahan ang distribusyon nito sa bansa.

Dahil dito, inatasan na ni Domingo ang regulatory enforcement unit ng ahensiya para silipin ang naturang usapin.

Giit pa ni Domingo, kasalukuyan ay nagpapatuloy pa ang pag-uusap sa pagitan ng Moderna at pamahalaan

Posibleng sa susunod na linggo pa makapagsumite ng aplikasyon para sa Emergency Use Authorization (EUA) ng kanilang bakuna ang Moderna.




Facebook Comments