Pagdedeklara ng unilateral ceasefire ng CPP-NPA – tatapatan ni Pangulong Rodrigo Duterte

130

Manila, Philippines – Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na tapatan ang plano ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army sa pagdedeklara ng unilateral ceasefire anumang oras ngayon o bukas.

 

Ayon kay Pangulong Duterte, walang problema sa kanya kung mauna ang komunistang grupo o magsabay ang gobyerno at CPP-NPA sa pagdedeklara ng ceasefire.

 

Dagdag pa ng Punong Ehekutibo, handa siyang gawin ang lahat at hahabaan din niya ang kanyang pasensya para lang makamit ang kapayapaan sa bansa.

 

Iginiit din ng Pangulo na mandato niyang magsulong ng kapayapaan at hindi magdeklara ng giyera laban sa sariling mamamayan.

 

Sa Abril 2 (Linggo) ay nakatakdang bumalik ang National Democratic Front at Government Peace Panel sa negotiating table sa pagpapatuloy ng peace talks.



Facebook Comments