Pagdeklara ng Manila LGU sa Panday Sining bilang Persona Non Grata, pinuri ng DILG

Pinuri ng Dept. of Interior and Local Government (DILG) ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila matapos ideklarang Persona Non Grata ang grupong Panday Sining.

Nabatid na nasangkot sa bandalismo ang ilan sa mga miyembro nito.

Ayon kay dilg Spokesperson Usec. Jonathan Malaya, napapanahon na para tulungan ang gobyerno sa pamamagitan ng pagdidisiplina sa ating mga sarili.


Aniya, ang pagbabago ay masisimula sa atin.

Sinabi ni Malaya na inabot ang Manila Lgu ng 15-taon para malinis ang Lagusnilad underpass at iba pang lugar.

Humingi na ng paumanhin ang grupo at iginiit na ipinapahayag lamang nila ang kanilang saloobin sa lumalalang estado ng bansa.

Facebook Comments