Pagdeklara ni Presidente Duterte na Malaya na ang Marawi City ipinagbunyi ng mga bakwit

Iligan City – Nagbunyi  ang  mga Internally  Displaced Person o IDPs  matapos  ideneklara  kahapon ni Presidente Rodrigo Duterte  na  Malaya na  mula  sakamay  ng  mga  teroristang grupo  ang  Marawi  City.
 
 
  Ayon kay Soraida, isang  bakwit  na  nasa evacuation  center ng Barangay Santa  Elena  dito  sa lungsod  ng  Iligan na  sabik  na silang  makauwi  sa kanilang lugar  sapagkat  mahigit  limang buwan  din  ang kanilang  pamamalagi sa evacuation center nang  sumiklab  ang  kagulohan sa  Marawi City.
 
 
  Ayon  naman  kayAmir, na  sa  nasabing  evacuation  center  dinna  sanay  nasa  maayos  pa rin  ang kanilang tahanan sa kabila ng bakbakan sapagitan ng militar at ng mga Maute-ISIS.
 
 
  Pinasasalamatan nila angkasundalohan na siyang nagbuhis buhay para hindi sakupin ng mga teroristanggrupo na Maute-ISIS ang kanilang pinakamamahal na syudad.
 
 
  Ideneklara ng  pangulong  Duterte kahapon na Malaya na ang Marawi Citykasunod ng pagkamatay noong lunes ng madaling araw sa dalawang lider ngMaute-ISIS na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.(Ghiner L. Cabanday, RMNIligan)

| | Virus-free. www.avast.com |

Facebook Comments