Pagdinig sa franchise renewal ng ABS-CBN, pagkatapos pa ng SONA mauumpisahan

138

Posibleng pagkatapos pa ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte maisalang sa pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises ang franchise bills ng ABS-CBN.

Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, tinitingnan nilang opsyon ang buwan ng Mayo o Agosto para ma-i-schedule na ang hearing sa franchise ng nasabing giant network.


Paliwanag ni Cayetano, maiksi lamang ang sesyon sa pagitan ng Enero hanggang Marso, gayundin sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo dahil magbabaksyon agad ang kongreso bilang paghahanda sa SONA.

Sinabi ng Speaker na ang may pinakamahabang araw ng session ay ang Agosto bago ito mag adjourn ng Nobyembre kaya posibleng pagkatapos na ng SONA o sa unang linggo ng Agosto na maisalang ang prangkisa ng ABS-CBN.

Dagdag pa ni Cayetano, useless din kung diringgin nila ngayon ang pagpapalawig sa franchise ng giant network kung hindi rin naman ito maisasalang sa plenaryo.

Tiniyak naman ni Cayetano na hindi magsasara ang ABS-CBN kahit na matapos ang prangkisa nila sa March 30 dahil makikipag uganayan sila sa National Telecommunications Commission (NTC) habang pending pa sa Kamara ang mga franchise bills.

Facebook Comments