Pagdiriwang ng 50th Birthday bilang House Speaker, bahagi ng term-sharing deal – House Speaker Cayetano

71

Iginiit ni House Speaker Alan Peter Cayetano na bahagi ng term-sharing agreement nila ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco ang pagdiriwang niya ika-50 taong kaarawan bilang lider ng Kamara.

Ayon kay Cayetano, bahagi ng orihinal na detalye ng kanilang kasunduan na bababa siya sa kanyang pwesto pagkatapos ng October 28, 2020, kung saan ipagdiriwang niya ang kanyang kaarawan.

Pero pinipilit aniya siya ni Velasco na bumaba siya sa pwesto sa October 14 dahil kung hindi ay hindi kikilalanin ang 15-21 term agreement.

“Very clear ang usapan: I have two budgets na ipapasa, and magbi-birthday ako na ako ang Speaker. Sabi niya (Velasco), ‘E birthday ko rin e!” sabi ni Cayetano.

Aminado si Cayetano na “mababa” at “sentimental” siya.

“Sabi ko, ‘Pare 50th birthday ko, sentimental lang sa ’kin.’ Sabi n’ya, ‘Ang babaw mo naman.’ Sabi ko, ‘Oo mababaw talaga ako.’ Mababaw talaga ako e, sentimental—e sino ba naman ang nagfi-fifty years old sa atin na hindi sentimental?” ani Cayetano.

Nanindigan din si Cayetano na ipinaubaya sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-anunsyo ang mangyayaring pagbabago.




Pero ikinadismaya ni Cayetano ang paglutangan ng October 14 sa social media at sa kanilang Viber threads.

Facebook Comments