
Pinangunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagdiriwang ng ika-127 Araw ng Kalayaan ng bansa sa Rizal Park, Maynila.
Kasama ng Pangulo si First Lady Liza Araneta Marcos, Presidential sons Simon Marcos, Vince Marcos, at Cong. Sandro Marcos.
Alas-7:00 ng umaga nang magsimula ang flag raising ceremony, kung saan mismong si PBBM at ang First Family ang humila ng tali sa pagtataas ng watawat.
Nag-alay rin ng bulaklak ang Pangulo sa bantayog ni Gat Jose Rizal.
Present sa seremonya ang ilang gabinete, opisyal ng gobyerno, at miyembro ng diplomatic corps.
Sinaksihan din ng Pangulo ang Parada ng Kalayaan kung saan nagmartsa ang mga magigiting na military at uniformed personnel ng bansa.
Pumarada rin ang pitong float na nagpapakita ng kuwento sa likod ng pakikipaglaban ng iba’t ibang probinsya ng Pilipinas para sa kalayaan.
Itinampok din sa selebrasyon ang performance ng mga natatanging festival ng mga lungsod at lalawigan sa bansa tulad ng:
– Maytime Festival ng Antipolo City
– Dinagyang Festival –ng loilo City
– Tultugan Festival – Maasin, Iloilo
– Al Cinco de Noviembre Festival ng Bago City, Negros Occidental
– Pasidayaw Festival ng Aurora Province
– Tobacco Festival ng Candon City, Ilocos Sur
– Paruparo Festival ng Dasmariñas, Cavite
Bagama’t makulimlim ang panahon at nakaranas ng mga pag-ambon naging matiwasay ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Rizal Park, Maynila.