Pagdiriwang ng ika– 156 kaarawan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, pinangunahan ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa

133

Manila, Philippines – Pinangunahan ni Philippine National Police Chief Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang pagdiriwang ng ika– 156 kaarawan ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.

Sa program sa Rizal Shrine sa Calamba, Laguna – ibinahagi ni Dela Rosa ang pagiging “mapagmahal sa bayan”, na isa aniya sa mga katangian na kanyang namana kay Gat Jose Rizal.

Nabatid na si Dela Rosa pala ay kaapo-apuhan ni Rizal matapos na madiskubre na ang lola sa tuhod ng ating pambansang bayani na si Ines Dela Rosa ay kamag-anak ng PNP Chief.

Sa ngayon ay idineklarang special non – working holiday sa probinsya ng Laguna bilang pagdiriwang sa kaarawan ni Rizal na isinilang noong Hunyo 19, 1861.

Facebook Comments