Pagdurusa ng mga Pilipino sa pagko-commute, natapos na ayon kay Pangulong Duterte

28

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na “natapos” na ang pagdurusa ng publiko sa pagko-commute.

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), ikinumpara ni Pangulong Duterte ang mga napagtagumpayan ng kanyang administrasyon sa apat na nagdaang pangulo pagdating sa sektor ng transportasyon at imprastraktura.


Binanggit ni Pangulong Duterte ang malawakang rehabilitation ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3, pagbubukas ng Light Rail Transit (LRT) 2 east-extension, at pagpapasinaya ng Skyway Stage 3.

Nakatulong aniya ang Comprehensive Tax Reform Program para pondohan ang critical infrastructure projects.

Pero tila ang bahagi ng talumpating ito ng pangulo ay pinalagan ng ilang netizens kung saan nag-viral muli sa social media ang mga litrato ng mga pasaherong nahihirapan pa rin sa pagko-commute dahil limitado ang pampublikong transportasyon dahil sa pandemya.

Ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa kanyang economic managers na tapusin ang flagship projects ng administrasyon bago siya bumaba sa pwesto.



Facebook Comments