Paggamit at pagdala ng laptop sa mga flights, planong ipag-bawal sa Amerika

World – Planong ipagbawal sa Amerika ang pagdadala ng mga laptop sa mga flights na papasok at palabas ng kanilang bansa.

Ayon kay Homeland Security John Kelly – layon nitong higpitan ang ipinapatupad na seguridad sa kanilang bansa.

Paliwanag ng opisyal – pwedeng i-target ng mga teroristang grupo na magpabagsak ng ilang US flights.


Nabatid na pinagbawal na rin ang pagdadala ng laptops sa mga flights mula sa United Arab Emirates, Qatar at Turkey.

Facebook Comments