Paggamit ng COVID Shield Control Pass sa Tuguegarao City, Ipatutupad pa rin

10

Cauayan City, Isabela- Ipatutupad pa rin ang ilang mga panuntunan ng lokal na pamahalaan ng Tuguegarao City base sa Executive Order No. 18 habang nakasailalim sa pitong (7) araw na General Community Quarantine (GCQ) status ang Lungsod.

Ang mga pinahihintulutan lumabas at pumasok sa lungsod ay tanging ang mga indibidwal na nagta-trabaho, pag-access sa essential goods o pangangailangan at mga emergencies lamang.


Strikto pa rin na oobserbahan ang paggamit ng mga COVID Shield Control Pass para sa mga kawani ng gobyerno, frontliners, at ang mga miyembro ng academe ay maaari na lamang magpresinta ng mga ID.

Nananawagan naman ang lokal na pamahalaan sa mga mamamayan nito na sundin ang mga protocol upang makatulong sa pagbaba ng aktibong kaso ng COVID- 19 sa Lungsod.

Facebook Comments