Paggamit ng re-enacted budget, posibleng magtagal hanggang Agosto

51

Manila, Philippines – Posibleng re-enacted budget pa rin ang gamitin ng pamahalaan hanggang sa buwan ng Agosto kung ipipilit ng House of Representatives ang mga pagbabago sa 2019 General Appropriations Act.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, magmamatigas si Senate President Vicente Sotto III sa paglagda sa Enrolled Bill kung makikita niya na mayroon itong nilalaman na hindi napag-usapan sa Bicameral conference.

Matatandaang una nang inakusahan ni Lacson si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ng pag-realign sa P25-million budget ng Department of Health (DOH) papunta sa mga pinaboran nitong mga mambabatas.

Facebook Comments