Paggamit ng virgin coconut oil, daan upang mapabilis ang paggaling sa mild case ng COVID-19

55

Inihayag ng Department of Science and Technology (DOST) na mas mapapabilis ang paggaling ng isang pasyente ng COVID-19 gamit ang virgin coconut oil batay sa resulta ng isinagawang vitro trial sa Singapore.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato dela Peña, may isang indibidwal na may mild case ang napabilis ng limang araw ang paggaling dahil sa tulong ng virgin coconut oil.


Habang may anti-viral properties din ang VCO at may isinasagawa pa silang vitro trial sa Manila Doctor’s Hospital gamit naman ang melatonin.

Ang paggamit ng melatonin ay makakatulong sa pagbawas ng kumplikasyon ng may mild case ng COVID-19.

Facebook Comments