Paggaya ng ibang LGU sa Cebu City hinggil sa pagtanggal ng facemask policy, ikinabahala ng DOH

Ikinabahala ng Department of Health (DOH) na baka gayahin ng ibang Local Government Units ang pagtanggal ng Cebu City sa mandatory face mask policy.

Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, maaaring sumunod na kasi ang iba pang LGU gayong may isang local government na ang gumawa nito.

Mababatid na noong Miyerkules ay inisyu ni Cebu City Mayor Michael Rama ang Executive No. 5 kung saan hindi na obligado ang pagsuot ng face mask sa mga pampublikong lugar at open spaces.


Aniya, isa na lamang itong hakbang ng self-preservation at protection.

Nakipag-usap naman si Interior Secretary Benhur Abalos kay Rama hinggil dito kung saan pumayag itong ipagpaliban muna ang pagpapatupad nito.

Ngunit nitong Huwebes ay nanindigan si Rama na mananatili ang naturang panukala.

Facebook Comments