Paggunita ng araw ng panggawa nanatiling maayos at payapa ayon sa PNP

Hanggang sa mga oras na ito nananatiling payapa ang paggunita ng Labor Day o Araw ng Paggawa.

 

Ayon kay PNP Spokesperson  Police Col Bernard Banac wala silang namomonitor na anumang untoward incidents.

 

Ito ay kahit na patuloy ang mga kilos protesta.


 

Sa ngayon namomonitor nila ang mga rally sa Metro Manila partikular sa Mendiola, Liwasang Bonifacio, at Welcome Rotonda dito sa Metro Manila

 

Nanatili namang naka full alert ang PNP para magbigay nang mas mahigpit na seguridad upang matiyak na magiging payapa ang paggunita ng Labor day.

Facebook Comments