Paggunita ng Independence Day ngayong araw, pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte

Manila, Philippines – Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdiriwang ng ika-119 na anibersaryo ng araw ng kalayaan sa Rizal Park ngayong araw.

Ayon kay National Capital Region-Philippine Information Agency Assistant Regional Director Emver Cortez, ang tema ng pagdiriwang ng kalayaan sa taong ito ay “Kalayaan 2017: Pagbabagong Sama-Samang Balikatin”.

Aniya, pangungunahan ng pangulo ang simultaneous flag raising ceremony at pag-aalay ng bulaklak sa Luneta Park.


Makakasama aniya ng pangulo sa pagdiriwang si Vice President Leni Robredo at iba pang mga opisyal ng pamahalaan.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Sec. Ernesto Abella na kinansela na ang tradisyunal na vin d’honneur sa palasyo para matutukan ni Pangulong Duterte ang sitwasyon sa Mindanao.

DZXL558

Facebook Comments