Paggunita ng Semana Santa sa Metro Manila ngayong taon, naging mapayapa

Manila, Philippines – Mapayapa ang naging paggunita ng Semana Santa sa Metro Manila ngayong taon.

Ito ay ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, matapos na walang naitalang mabigat na insidente sa nakalipas na mga araw.

Patuloy namang magiging alerto ang kapulisan hanggang ngayon lalo na sa mga pasaherong babalik na ng Metro Manila.


Samantala, mas kakaunti naman ang naitalang bilang ng mga pasaherong umuwi sa mga probinsiya ayon sa Southern Police District kaysa noong nakaraang taon.

Kasalukuyan namang nakakaat ang 60 pulis sa mga bus terminals sa katimugang bahagi ng Metro Manila.
Nation”

Facebook Comments