PAGGUNITA | Vigil – isinagawa sa 1 taong anibersaryo ng pagkakasunog ng Grenfell Tower sa London

135

London – Isang Round-The-Clock vigil ang isinagawa sa simbahan ng London matapos ang isang taon na pagkakasunog ng Grenfell Tower na ikinamatay ng 71.

Ang insidente ay itinuturing bilang pinakamadugong domestic fire sa Britanya mula pa noong World War 2.

Dinaluhan ng mga pamilya at mga residente sa lugar ang vigil na ginanap sa St. Clement’s Church.

Nagpailaw sila ng kulay berde sa mga gusali malapit sa lugar bilang pag-alala sa mga biktima.

Magsasagawa rin ng moments of silence sa lugar bilang paggunita pa rin sa mga namatay.

Facebook Comments