Paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte, dapat irespeto

24

Manila, Philippines – Umapela si Liberal Party o LP Senator Francis Kiko Pangilinan na respetuhin ang paghahain ng impeachment ng complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ang panawagan ay ginawa ni Pangilinan, makaraang maghain ng impeachment case kaninang umaga laban sa Pangulo si Magdalo Representative Gary Alejano.

 

Binigyang diin ni Pangilinan na kinikilala ng ating Saligang Batas ang proseso ng impeachment.

 

Sang-ayon man aniya tayo o hindi sa paghain ng nasabing impeachment complaint, ay kailangan natin galangin ang proseso na nakasaad sa Saligang Batas.

 

Iginiit pa ni Pangilinan na kasama sa sinumpaang tungkulin nilang mga mambabatas bilang mga halal na opisyal na itaguyod ang ating Saligang Batas.

Facebook Comments