Paghahain ng SOCE, hanggang June 13 na lamang – Comelec

Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang Commission on Election o Comelec kaugnay sa paghahain ng kopya ng kanilang ginastos sa kampanya.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, meron na lamang hanggang Hunyo 13 ang mga kandidato at partido, nanalo man o natalo, para magsumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Aniya, posibleng maantala ang pag-upo sa pwesto ng mga nanalong kandidato kung mabibigo ang mga ito na maghain ng SOCE.


Habang ang mga natalo naman ay pagmumultahin at posibleng madiskuwalipika na sa pagtakbo sa mga susunod na halalan.

Facebook Comments