Nagpapatuloy ang paghahakot ng tone-toneladang basura sa dumpsite ng Dagupan City na matatagpuan sa Barangay Bonuan Gueset.
Sa Isang araw nasa 18 truck ang bumabyahe upang hakutin ang naturang basura nang ito ay tuluyang ma-ipasara. Araw-araw na rin itong binibisita ng lokal na Pamahalaan upang tiyakin ang progreso sa naturang dumpsite.
Target ng LGU Dagupan na tuluyan nang ma-ipasara ang naturang dumpsite dahil sa posible nitong maidulot tulad ng sakit na makukuha ng mga residente malapit rito at pati na rin sa pagpapaganda pa ng naturang lugar upang makatulong sa sektor ng lokal na turismo.
Sa kasalukuyan, patuloy na umiiral ang no segregation no collection policy sa mga barangay sa lungsod upang makatulong na maibsan ang patuloy na pagtatapon ng basura sa dumpsite. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨