Paghahanap Sa Malaysian Flight Mh370 – Itinigil Na

7

Tuluyan ng itinigil ang deep sea search sa bahagi ng Malaysian airlines flight MH370 na nawala noong 2014 sakay ang 239 na pasahero.Sa kabila ito ng masusing paghahanap gamit ang pinakamodernong teknolohiya ay hindi pa rin sila naging matagumpay sa kanilang misyon.Umalis na sa lugar ang pinakahuling search vessel matapos suyurin ang 120 thousand square kilometer area ng Indian ocean sea floor.Ito ang lugar na pinagtuunan ng pansin ng halos tatlong taon na paghahanap sa nasabing aircraft.Noon pang hulyo, nagkasundo ang Malaysia, Australia at China na sususpindehin na nila ang paghahanap, oras na hindi talaga mahanap ang eroplano, o kaya ay wala silang bagong ebidensyang makitaTinanggihan naman ng Australia ang suhestyon ng mga imbestigador na i-urong pa-norte ang paghahanap dahil giit ng mga opisyal ng Australia, wala namang ebidensyang susuporta sa mungkahing ito.

Facebook Comments