PAGHAHANDA | Hidilyn Diaz, target sa China mag-training para sa Asian Games at World Championships

22

Sports – Bilang paghahanda sa dalawang malalaking torneyo, target ni Rio Olympic Games silver medalist Hidilyn Diaz na magtraining sa China.

Sabi ni Diaz, priority niya ang Asian Games na gaganapin sa Indonesia sa susunod na taon at ang World Championships na magsisilbing qualifying tournament naman para sa 2020 Tokyo Olympic Games sa Japan.

Dahil dito may sapat na pagkakataon si Diaz para paghandaan ang dalawang event.

Kakagaling lang ni Diaz mula sa California matapos lumahok sa International Weightlifting Federation World Championships kung saan nakapag-uwi siya ng silver at bronze medals.

Facebook Comments