PAGHAHANDA | Maynilad, pinayuhan ang kanilang customer na mag-imbak ng tubig

39

Pinayuhan ng Maynilad ang kanilang customer na mag-imbak na ng kanilang tubig bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Ompong.

Ayon sa Maynilad, ito ay para matiyak na may magagamit ang kanilang mga customer oras na maging malabo na naman ang kalidad ng tubig dulot ng sediments sa Ipo Dam.

Mababatid na kabilang ang Ipo Dam sa pinagkukunan ng tubig ng Maynilad.

Facebook Comments