PAGHAHANDA | NDRRMC, magpupulong para sa mga inaasahang kalamidad

Manila, Philippines – Magsasagawa ng full council meeting ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa Camp Aguinaldo.

Mismong pangungunahan ni NDRRMC Chairperson, Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagpupulong.

Ilan sa isyung kanilang tatalakayin ay ang kahandaan ng bawat ahensya sa pagtugon sa mga pangangailan kapag may sakuna o kalamidad.


Bukod sa kahandaan pag-uusapan din ang koordinasyon at mga nakalatag na plano para anumang kalamidad, aalamin din ng ahensya ang mga dapat pang idagdag sa kanilang mga nakalatag na preparasyon.

Sa ngayon isa sa pinaghahandaan ng NDRRMC ang inaasahang “The Big One”.

Habang inihayag na ng PAGASA na makakaranas ang Pilipinas ng mild La niña mula ngayong buwan at tatagal hanggang Marso sa susunod na taon.

Facebook Comments