Paghahanda ng QCPD sa SONA ni PBBM, ininspeksyon ni OIC PNP Chief Vicente Danao

Ininspeksyon kanina ng Philippine National Police OIC, Lt. Gen. Vicente Danao Jr. ang Tactical Operation Drone sa QCPD headquarters sa Camp Karingal, Quezon City na gagamitin sa pagbabantay sa seguridad sa State of the Nation Address.

Ininspeksyon din ni Danao ang Commonwealth Avenue.

Siniyasat ni Danao ang latag ng seguridad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Quezon City Police Department (QCPD) kaugnay ng inaasahang kilos protesta at kung paano ito dapat harapin ng mga pulis.


Mula sa PHILCOA ay ininspeksyon ng OIC PNP chief ang mga tinatawag na control points.

Sinuyod din niya ang Tandang Sora para makita ang popostehan ng mga pulis habang papalapit ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM).

Facebook Comments