Paghahanda sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte, inilatag ng Malakanyang

Manila, Philippines – Inilahad ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa RMN-DZXL ang mga ginagawa nilang paghahanda para sa nalalapit na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 24 (Lunes).

Ayon kay Andanar, patuloy pa nilang pinaplansta ang pinal na ulat sa bayan ng Pangulo.

Bukod dito aniya ay magbibigay sila ng update linggu-linggo sa taumbayan sa pamamagitan ng mga dokumentaryo.


Magsasagawa rin aniya sila ng iba’t ibang communications forum para naman mga proyekto ng gobyerno.

Kinabibilangan ito aniya ng tax reform package, national anti-poverty commission at sa drug rehabilitation campaign.

Giit pa ni Andanar, kahit na paulit-ulit na batikusin ng mga kritiko ang giyera ng pamahalaan laban sa iligal na droga maituturing pa rin itong matagumpay.

Facebook Comments