Paghahanda sa Pista ng Itim na Nazareno, puspusan na!

115

Todo paghahanda na ang simbahan ng Quiapo para sa Pista ng Itim na Nazareno sa Maynila.

Ayon kay father Hernando Coronel, rector ng Quiapo church, inaasahan nilang madaragdagan ang mga kabataan na lalahok sa Traslacion na gaganapin sa susunod na Miyerkules, (January 9).

Dahil dito, plano nilang maging mas aktibo sa social media tulad ng pagdaragdag ng live streaming sa ilang mga event kaugnay sa Traslacion.

Nakikipag-ugnayan na rin ang simbahan sa Manila Police District (MPD) at National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa ilalatag na seguridad.

Pinayuhan naman ng mga organizer ang mga deboto na iwasan nang magdala ng mga matulis na bagay at backpack sa paligid ng simbahan.

Facebook Comments

From Advertisers