Paghahati sa Barangay Muzon, SJDM sa apat na bagong barangay, suportado ng mga botante

Pinaboran ng mayorya ng mga botante ang paghahati ng Barangay Muzon sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sa isinagawang plebesito kahapon, nasa 12,324 na residente ng nasabing barangay ang bumotong “yes” habang 969 ang “no.”

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), nasa 13,322 lamang o wala pa sa kalahati ng kabuuang 43,771 registered voters ng barangay ang lumahok sa plebesito.


Sa ilalim ng Republic Act 11896, hahatiin ang Barangay Muzon sa apat: Barangay Muzon Proper, Barangay Muzon East, Barangay Muzon West at Barangay Muzon South.

Facebook Comments