Pagharap sa publiko ni Pangulong Duterte kagabi, epektibong paraan para patunayang walang siyang sakit at wala siya sa ibang bansa

Isa sa pinakamagandang nangyari kagabi ay ang pagharap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, ito’y dahil nakita mismo ng taumbayan na malakas at ‘in fighting spirit’ talaga ang Punong Ehekutibo.

Paliwanag ni Roque, ang ginawang pagharap sa publiko kagabi ng Pangulo ang isang pinaka-epektibong paraan upang patunayan na walang katotohanan ang mga kumalat na fake news na nagkasakit umano ang Pangulo kaya ito nagtungo sa Singapore nitong weekend.


Samantala, kinumpirma rin ng kalihim na balik Metro Manila na si Pangulong Duterte ngayong linggo matapos umuwi pansamantala sa kanilang hometown sa Davao City.

Facebook Comments