PAGHIHIGANTI | Persons of interest sa pananambang sa abogado sa Quezon City, tukoy na

815

Quezon City – May gabay na ang Quezon City Police District (QCPD) sa madugong ambush sa North Avenue, Quezon City kaninang madaling-araw.

Paghihiganti ng umano’y doktor na napatanggal sa serbisyo ang isa sa motibong tinitingnan ngayon ng QCPD.

Ito mismo ang ipinahayag ng nakaligtas sa ambush na si Atty. Argel Joseph Cabatbat.

Ayon kay QCPD District Director PCSupt. Guillermo Eleazar, subject ng imbestigasyon ngayon ang pagkakasangkot ng napatay na si Police Officer 1 Mark Boquela Ayeras ng Regional Public Safety Battalion ng NCRPO.

Si Ayeras ay isa sa tatlong riding-in tandem na sakay ng dalawang motorsiklo na namamaril kay Atty. Ayeras na nagsimula sa East Avenue hanggang North Avenue.

Sa ngayon ay gwardiyado ng QCPD ang isa pa sa sugatang suspek na si John paul Cerilo Napoles na patuloy na ginagamot sa East Avenue Medical Center.

Nauna rito, binabaybay ng grupo ni Atty. Cabatbat ang kahabaan ng EDSA nang pagbabarilin ng riding in tandem ang kanyang sinasakyang montero hanggang sa banggain ang mga suspek at mapatay ang gunman na isang bagitong pulis.

Facebook Comments