PAGHIHIHANTI? | Pananambang sa legal officer ng CALABARZON-PNP, posibleng dahil sa trabaho at personal na galit

98

Manila, Philippines – Anggulong may kinalaman sa trabaho at personal na galit ang tinitingnang motibo ngayon ng pulisya sa nangyaring pananambang sa Legal Officer ng Police Region Office – 4A na si P/ Supt. Ramy tagnong.

Ayon kay PNP Chief Dir.Gen. Oscar Albayalde – marami nang nahawakang kaso ng mga tiwaling pulis si tagnong na karamihan ay nasibak sa trabaho.

Posible rin aniya na mga dating pulis ang nasa likod ng ambush.

Papunta sana sa Quiapo church si Tagnong at live-in partner niyang si Maria Angela Cabaltera Hadap nang bigla silang pagbabarilin ng tatlong gunman sa bahagi ng Barangay Dalig 1, Antipolo, Rizal.

Dead-on-arrival sa ospital ang police official habang nagpapagaling sa ospital ang kanyang live-in partner.

Samantala, bumuo na rin ng special investigation task group ang CALABARZON-PNP na tututok sa kaso.

Facebook Comments