GSIS pansamantalang sinuspinde ang pensioner’s show up rule at APIR hanggang katapusan ng taon

127

Sinuspinde muna pansamantala ng Government Service Insurance System (GSIS) Board of Trustees ang paghingi ng impormasyon sa kanilang miyembro ng buwan ng kapanganakan at pag-comply sa Annual Pensioners Information Revalidation (APIR) hanggang katapusan ng taong 2020.

Ayon kay GSIS President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet, ito ay para maprotektahan ang kaligtasan ng kanilang mga pensioner sa sakit na COVID-19.


Ipinawalang-bisa rin ng GSIS ang suspensiyon ng mga pensioners na nabigong makasunod sa APIR mula Marso hanggang Hulyo dahil sa COVID-19.

Para sa iba pang impormasyon kaugnay sa suspensiyon ng inyong APIR, magtungo lang sa GSIS website, sa www.gsis.gov.ph; GSIS official Facebook page at GSIS.ph.

Facebook Comments