Paghuli sa mga tatangging magpabakuna, baseless – NUPL

Tinawag na walang basehan ng National Union of Peoples’ Lawyers ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na paghuli sa mga indibidwal na tatangging magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay NUPL President Edre Olalia, walang maaaring arestuhin nang walang ginagawang krimen.

Aniya, mapanganib ang bantang ito ng pangulo dahil magugulo nito ang democratic system ng bansa.


Giit ni Olalia, kailangang mayroon tayong sinusunod na rule of law.

Kasabay nito, nagpaalala si Olalia na dapat maging maingat ang Pangulong Duterte sa mga salita nito dahil posible itong maging polisiya ng pamahalaan.

Facebook Comments