
Nagbabala si Senator-elect Ping Lacson na maaaring ma-misinterpret bilang kahinaan ng liderato ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagiging bukas nito na makipagkasundo sa mga Duterte.
Ayon kay Lacson, likas na kay PBBM ang pagiging mabuti nito subalit ang kanyang pagiging bukas para makipagkasundo kay Vice President Sara Duterte at sa mga Duterte ay maaaring mabigyan ng ibang kahulugan ng mga kaalyado at kalaban nito bilang isang kahinaan.
Dahil dito, mangangailangan aniya si Pangulong Marcos ng isang bastonero sa kanyang gabinete na kayang mapasunod ang mga government official kabilang na ang mga nasa Kongreso para sa maayos na pamamahala.
Sinabi pa ni Lacson na isang malakas at may mabuting intensyon na bastonero ang dapat na maitalaga ni PBBM.
Dagdag pa ng nagbabalik na senador na sa kampanya lang ang politika at dapat ay tapos na ito at simulang magtulong-tulong ng lahat.