
Iginiit ni Senior Citizen Party-list Representative Ompong Ordanes na hindi rason ang pagiging “consultant” lang ni Coach Tab Baldwin para makaiwas sa responsibilidad ang administrasyon ng Ateneo De Manila University (ADMU).
Kaugnay ito sa pagkamatay ng dalawa nitong estudyanteng atleta na sina nina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Dismayado si Ordanes na patuloy na tinatakasan ng Ateneo ang kabiguan nitong magpatupad ng supervision, real leadership, pag-iingat at responsibilidad sa nangyaring trahedya.
Binigyang-diin ni Ordanes na kahit pa ikatuwiran ng Ateneo na dating “consultant lang” nila si Baldwin ay hindi nito binubura ang katotohanan na ginampanan niya ang mahalagang tungkulin ng Ateneo sa mga student-athletes nito alinsunod sa Ateneo sports program.










