Pagiging dominant political party sa Kamara, hawak pa rin ng Lakas-CMD

Nananatiling dominant majority party sa Kamara ang Lakas-Christian Muslim Democrats o Lakas-CMD matapos ang midterm elections.

Tiniyak ito ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na siyang pangulo ng Lakas-CMD na mayroong 104 kinatawan na nagwagi sa katatapos na halalan mula sa 128 na congressional candidates nito.

Sabi ni Romualdez, hindi lang ito vote of confidence sa mga kandidato ng partido kundi nagpapakita rin ng tiwala sa liderato at sa itinataguyod na pagkakaisa ng Lakas-CMD.

Nangako naman si Romualdez na patuloy na magtatrabaho ang Lakas-CMD katuwang ang mga kaalyado sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na isang malaking coalition ng mga nangungunang partido politikal sa bansa.

Ayon kay Romualdez, ito ay para suportahan ang repormang isinusulong ng Marcos Jr. administration para magpasa ng mga batas na lilikha ng trabaho, magbibigay-proteksyon sa mga higit na mahina at nangangailangang kababayan, magpapahusay sa edukasyon at magpapalakas sa demokrasya.

Facebook Comments