PAGIGING DRUG FREE WORKPLACE NG PANGASINAN PNP, MALAKING BAGAY SA MGA KAPULISAN

Isang napakalaking bagay sa hanay ng PNP sa lalawigan ng Pangasinan ang pagkakadeklara bilang Drug Free Workplace ng Pangasinan Police Provincial Office.
Sa Naging panayam ng IFM Dagupan kay Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan Dela Cruz, na naka high morale ngayon ang mga kapulisan sa buong lalawigan ng Pangasinan matapos mapag alaman na wala ni isa sa mga pulis sa buong Pangasinan ang nagpositibo sa Illegal Drugs.
Mahigpit din kasi aniya ang kautusan ni Pangasinan PNP Provincial Director Col. Jeff Fanged na dapat ay walang sinumang miyembro ng PNP na masasangkot sa Illegal Drugs kahit na sa pag gamit nito.

Sa ngayon ay gagamitin umano ng PNP ang nasabing pagkilala bilang inspirasyon sa kanilang mga isinasagawang mga Anti-illegal Drugs Operation upang maabot ang target na paglilinis ng lalawigan sa usapin ng Illegal Drugs. |ifmnews
Facebook Comments