Pagiging kwela ng aktres na si Rufa Mae Quinto, namana ng anak nito

37

Kwelang ibinahagi ng aktres at comedian na si Rufa Mae Quinto na tila namana ng kaniyang anak na si Athena ang kaniyang talent sa pagpapatawa.

Ayon kay Rufa, tulad niya ay lumaki ring napakasigla at madaldal ang kaniyang anak.


Sa sobrang energy pa nga aniya ay maging siya ay hirap makasingit kapag ito ay nagsasalita.

Kung sa tanong naman kung papayag ba si Rufa na pumasok sa showbiz ang kaniyang anak kapag lumaki na ito, sinabi ng aktres na hindi pa ito tiyak dahil bata pa ang kaniyang baby girl.

Sa ngayon, nananatili sa US si Rufa kasama si Athena dahil sa ipinatupad na lockdown dahil sa COVID-19.1

Facebook Comments