Pagiging mas malapit ng Pilipinas sa China, isinisi ni PRRD sa US

Walang ibang dapat sisihin ang Estados Unidos kundi ang sarili nila kung bakit naging mas malapit ang Pilipinas sa China.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, lumayo ang loob ng bansa sa Amerika matapos siyang bintangan ng dalawang US congressmen na sangkot sa paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas.

Dahil dito, hindi aniya natuloy ang pagbebenta ng armas ng Estados Unidos sa bansa na sinalo naman ng China.


Kasabay nito, sinabi ng Pangulo na hindi dapat isali ang Pilipinas sa girian ng US at China.

Hindi rin aniya siya papayag na malagyan ng nuclear weapon ang bansa.

Facebook Comments