Pagkaantala ng bakbakang Pacquiao – Crawford, ikinadismaya ng isang Top Rank Promoter

91

Ikinadismaya ng Top Rank Promoter na si Bob Arum ang pagkakaantala ng laban sa June 5 ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao laban sa American champion na si Terrence Crawford.

Ayon kay Arum, nabigo ang Abu Dhabi Government at iba pang mga investors na makapag-ipon ng pera upang pondohan ang hinihinging premyo ni Pacman at ng undeafeted na si Crawford.


Kung tutuusin kasi aniya ay nagkapirmahan na sila sa kontrata at pumayag din ang 33-anyos na si Crawford na idepensa ang kanyang WBO Welterweight crown sa 42-anyos Eight Division World Champion na si Pacquiao.

Sakaling matuloy ang bakbakang Pacquiao versus Crawford, ito ay magiging pay-per-view event sa ilalim ng ESPN Sports.

Sinasabing isyu pa rin sa pagkaantala ang pangamba ng mga sponsors na baka walang manood na mga fans.

Facebook Comments